Saturday, November 8, 2008

Christmas Bonus


Times are hard and it's not only true in this part of the world. Even US, the superpower, is going through tough times. Yun nga lang sa Pinas, sanay na ang mga tao sa hirap. I am no exception.

Last week, naibigay na sa aming mga pobreng kawani ng gobyerno ang inaasam-asam na Christmas bonus. Napaaga ata ng konti pero sabi nga, mahirap tumanggi sa grasya lalo kung nandyan na! Nung iniabot sa akin ang pay envelope, di ko mapigilang mapangiti lalo't maraming nakasulat sa wish list ko this Christmas. Sa wakas, mabibili ko na yung minimithi kong digital camera.(well, among others) haha!! Nung masilip ko ang laman ng envelope, bigla akong nadismaya kasi mukhang mag-aabono pa ako para sa mga luho ko. Ganito na ba talaga kahirap ang buhay?!

Personally, di naman talaga ako maluhong tao. In fact, saksakan ako ng kunat! Ang hirap kong maglabas ng pera sa wallet kasi may guilty feeling na, what for na gumastos kung pwede mo namang i-save na lang, diba? Sa kabilang banda, kaya nga ako kumakayod para naman ma-enjoy ko ang pinaghihirapan ko. At least nakikita ko kung saan napupunta ang araw-araw kong pakikibaka sa loob ng classroom, na halos matuyuan na ako ng laway sa kakasalita.

Nung medyo bago pa ako sa trabaho, sobrang magastos ako sa gamit. Hindi uso sa akin noon yung nagtatabi ng at least 20% ng sweldo ko. Pagdating ng payday, sige lustay! Tapos kinabukasan, nakatulala na sa kisame at nagbibilang ng butiki. Nagsawa ako sa ganong buhay! So I decided to shape up and manage my finances. Malaking bagay yung ginawa kong pag-terminate sa mga credit cards ko. It was a giant leap but it was truly worth it! Ngayon, pag may nakursunadahan akong damit at talagang wala akong pera, binabalik ko agad sa rack. Nakakasama ng loob pero in a way, natuto akong disiplinahin ang sarili ko na hindi lahat ng gusto ay dapat bilhin. Kung may tatlo akong matinong jeans at limang matinong pantaas, ok na ako. haha!

Mukhang mapupurnada na naman ang digicam ko nito! Yung ipambibili ko sana ay nasa bangko na. May panata pa naman ako na once naipasok ko na sa bangko, di ko na nilalabas. Next bonus na lang ulit ako bibili, tutal may hihiraman pa naman ako ng camera. haha!!